Senator Imee Marcos Personal na naghatid ng Tulong sa Oriental Mindoro at Balayan Batangas sa loob ng isang Araw

Senator Imee Marcos:

Binisita ko ang Pinamalayan, Oriental Mindoro ngayong Sabado, April 29 para personal na mag-abot ng tulong para sa mga anak na estudyante ng mga apektadong mangingisda dahil sa nangyaring oil spill sa lugar.

Dalawang libong benepisyaryo ang nakatanggap ng ₱3,000 financial assistance mula sa ating pakikipagtulungan sa ahensya ng DSWD.

Matapos ang pamimigay ng ayuda, nagsagawa kami ng aerial inspection 

kasama si Admiral Artemio Abu ng Philippine Coast Guard para makita ang lawak ng damage na tinamo ng mga bayan sa Oriental Mindoro dahil sa oil spill galing sa MT Princess Empress.


Mula sa Probinsya ng Oriental Mindoro, sinadya kong bisitahin ang mga kapatid nating Batangueño sa Balayan, Batangas.

Kasama ang ahensya ng DSWD, namahagi kami ng tatlong milyong halaga ng cash assistance. 


Bawat isa sa isanlibong benepisyaryo ay nakatanggap ng ₱3,000 na tulong pinansyal ngayong Sabado, April 29.

#IMEEsolusyon

Archives