Showing posts with label #pbbmgoodnews. Show all posts
Showing posts with label #pbbmgoodnews. Show all posts

GIFT GIVING DAY - 17,000 na KABATAAN NABIGYAN SAYA !

 

PBBM PINADAMA ang PASKO sa MGA BATA mula sa BAHAY-AMPUNAN



Pinangunahan ni President Bongbong Marcos at First Lady Liza Marcos ang selebrasyong sa ikalawang taon ng Gift-Giving day na ginawa sa iba't-ibang panig ng bansa. #BalikSiglaBigaySaya

Mahigit 17,000 na kabataan ang napamahagian ng pamaskong handog mula sa Office of the Secretary at DSWD.

1,700 sa mga ito ang pinalad na maimbitahan upang makapag laro sa Malacanang na ginawang isang malaking playground, may bonus pang umaapaw na iba't ibang pagkain mula sa iba't ibang brands at food chains.

Panoorin ang Video.

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkakaroon ng 90-day extension period para sa SIM registration

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkakaroon ng 90-day extension period para sa SIM registration pagkatapos ng deadline sa Abril 26, 2023.

Inaasahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na aabot sa 15-18 milyon na Pilipino ang magpaparehistro pa sa loob ng nasabing extension period. 

Sa pinakahuling ulat, higit sa 82 milyong SIM o 49.31% ng kabuuang aktibong SIM noong Disyembre 2022 ang nakapagrehistro na.
#PBBMgoodnews

Pagpupugay sa ating bagong PNP Chief, PMGen. Benjamin Acorda Jr!

Pagpupugay sa ating bagong PNP Chief, PMGen. Benjamin Acorda Jr!

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang turnover ceremony sa pagitan ni incoming Philippine National Police chief Major General Benjamin Acorda Jr. at outgoing chief Gen. Rodolfo Azurin Jr noong Lunes, Abril 24, sa Camp Crame sa Quezon City. 

Si PNP Chief Acorda, ay miyembro ng Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991, ang pangalawang PNP chief na hinirang ni Marcos at ika-29 na pinuno ng PNP.

Mabuhay ka, PNP Chief Acorda!


#PNPChief

Bagong BAHAY, Bagong BUHAY - Kwento ng isang pamilya na unang nabiyayaan ng Pabahay, wala pang isang taong Panunungkulan ni Pangulong BongBong Marcos

Panoorin at alamin ang dating buhay ni Aling Ofelia Olegar at paanong nabago ang buhay ng kanilang pamilya, dahil sa biyaya ng pabahay na kanilang natanggap.


Si Aling Ofelia ay isa sa mga dating naninirahan sa tabing ilog sa Lungsod ng Malabon, at ngayon ay naninirahan na sa pabahay mula sa NHA, na itinayo sa Barangay Panghulo.

Ang Lokasyon ng mga pabahay ay mataktikang pinag-isipan, nang sa gayon ay hindi mailayo sa pangunahing pinagkakakitaan ang mga nai-relocate. Tunghayan ang kanyang istorya sa Video sa itaas.

Maari rin itong panoorin sa Youtube: Bagong Bahay, Bagong Buhay.

Archives