Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Secretary Jayart Tugade

Secretary Jayart Tugade ng LTO nagpakita ng pag-unawa sa Riding community at sa mga Motorista.

Matapang na humarap sa mga kontrobersyal na mga tanong si Secretary Jayart Tugade sa isang Press Conference, kasama ang mga kilalang TV stations at mga Social Media Vloggers. Tunghayan natin ang mga paglilinaw ni Land Transportation Office Chief sa ilan sa mga concerns na kinakaharap ng kanyang Opisina. Mag-Eexpire na ba ang iyong lisensya? Kung ang expiration nito ay mula April 24, 2023 hanggang sa kasalukuyan, yan ay maaari mo pa ring magamit dahil extended ang expiration nyan hanggang Oktubre 31, 2023 ito ang pansamantalang solusyon hangga't may nararanasan pang shortage sa supply ng Plastic Cards na kailangan para sa pag imprinta ng mga bagong Driver's License. BAWAL GUMAWA NG SARILING "PLAKA" Binigyan diin ni Secretary Jayart Tugade na Bawal po ang mag-imprinta ng Plaka. Ang plaka po ay isang protected entity ng pamahalaan, kung baga sa Pera, Bawal pekein, at may mga features na kailangan makita upang masabing authentic ito. kaya naman , maaring manag...