Binisita ko ang Pinamalayan, Oriental Mindoro ngayong Sabado, April 29 para personal na mag-abot ng tulong para sa mga anak na estudyante ng mga apektadong mangingisda dahil sa nangyaring oil spill sa lugar.
Dalawang libong benepisyaryo ang nakatanggap ng ₱3,000 financial assistance mula sa ating pakikipagtulungan sa ahensya ng DSWD.
Matapos ang pamimigay ng ayuda, nagsagawa kami ng aerial inspection
kasama si Admiral Artemio Abu ng Philippine Coast Guard para makita ang lawak ng damage na tinamo ng mga bayan sa Oriental Mindoro dahil sa oil spill galing sa MT Princess Empress.
Mula sa Probinsya ng Oriental Mindoro, sinadya kong bisitahin ang mga kapatid nating Batangueño sa Balayan, Batangas.
Kasama ang ahensya ng DSWD, namahagi kami ng tatlong milyong halaga ng cash assistance.
Bawat isa sa isanlibong benepisyaryo ay nakatanggap ng ₱3,000 na tulong pinansyal ngayong Sabado, April 29.
Matapang na humarap sa mga kontrobersyal na mga tanong si Secretary Jayart Tugade sa isang Press Conference, kasama ang mga kilalang TV stations at mga Social Media Vloggers.
Tunghayan natin ang mga paglilinaw ni Land Transportation Office Chief sa ilan sa mga concerns na kinakaharap ng kanyang Opisina.
Mag-Eexpire na ba ang iyong lisensya?
Kung ang expiration nito ay mula April 24, 2023 hanggang sa kasalukuyan,
yan ay maaari mo pa ring magamit dahil extended ang expiration nyan hanggang Oktubre 31, 2023 ito ang pansamantalang solusyon hangga't may nararanasan pang shortage sa supply ng Plastic Cards na kailangan para sa pag imprinta ng mga bagong Driver's License.
BAWAL GUMAWA NG SARILING "PLAKA"
Binigyan diin ni Secretary Jayart Tugade na Bawal po ang mag-imprinta ng Plaka.
Ang plaka po ay isang protected entity ng pamahalaan, kung baga sa Pera, Bawal pekein, at may mga features na kailangan makita upang masabing authentic ito.
kaya naman , maaring managot sa batas ang mamemeke ng mga Plaka, na pilit ginagaya ang Original na iniissue lamang ng LTO.
ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG NASIRA ANG PLAKA, NANAKAW o NAWALA?
Pumunta sa malapit na LTO, dala-dala ang Affidavit of Loss, at humingi ng Authorization Letter.
Ang Authorization letter ay maari mong ipakita kung ikaw ay masita ng mga Traffic Enforcers.
Ang Authorization letter ay nagbibigay sayo ng karapatan na gumamit ng improvised plate habang ikaw ay nag hihintay sa Replacement ng iyong Plaka.
Recommendation ng LTO na ang ilagay sa Improvised plate ay ang MV File Number para sa motorsiklo, at kung sa Kotse naman, ay ang Numbers sa conduction sticker. Again, huwag piliting gayahin ang nawalang Plaka.
ANO ANG TEMPORARY PLATE?
Kung ang Nabiling sasakyan ay Hindi pa na-iissuehan ng Plaka, maaring humingi sa mga Car Dealers or Motorcyle Dealers ng tinatawag na Temporary Plate.
Ang Temporary Plate ay dapat na naglalaman ng MV File number, Region kung saan nabili ito, at ang motordealership para sa Motorsiklo, Conduction sticker naman para sa mga kotse o sasakyan.
Naintindihan ni Secretary Jayart, na maninipis ang mga binibigay, na temporary plate ng mga Dealers, kaya nga naman napipilitan magpagawa ang mga motorista ng Temporary plate na gawa sa acrylic at iba pang mga material. Kaya inaasahan na lilinawin nya ang bagay na ito sa mga susunod na anunsyo ng LTO.
Oo nga pala, in case you missed it, magiging Tatlong taon na ang bisa ng Rehistro ng mga bagong Motorsiklo. GOOD JOB Secretary Jayart Tugade !!
Tunay nga na nauunawaan ni Jayart Tugade ang mga concerns ng riding community at ng mga Motorista, kaya naman sa kanyang Panayam sa isang Vlogger na si Jonskie26Tv nangakong rerepasuhin nila muli ang mga existing na polisiya ng Land Transportation Office, upang masigurado na hindi ito ma-tetake advantage ng mga oportunista, at magiging fair ito lalo na sa mga motorista.
Para sa kumpletong Video watch on Land Transportation Office's Facebook page
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos, inilunsad ng Department of Health (DOH) sa pangunguna ni DOH OIC Dr. Maria Rosario Vergeire ang PAAP TB (Philippine Acceleration Action Plan for Tuberculosis) kamakailan upang bigyang diin ang misyon nitong tapusin at tuluyang i-eradicate ang mga kaso ng tuberculosis sa bansa sa taong 2030.
PBBM spotted having dinner with Chinese Ambassador Huang Xilian
President Ferdinand R. Marcos Jr is really showing that he is true to his words and continues to adapt the Foreign Policy which the former President Rodrigo Duterte started: "Friends to all, Enemy to none".
Nanguna si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng pribadong sektor upang talakayin ang mga update sa Kapatid Angat Lahat for Agricultural Program (KALAP) kahapon, ika-25 ng Abril 2023.
Sa pagpupulong, inilahad ni PBBM ang kanyang kagustuhang magbigay ng mas maayos na paraan upang matugunan ang mga mahahalagang isyu sa aspeto ng ekonomiya, sosyal, at pangkapaligiran sa sektor ng agrikultura. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng Public-Private Partnership sa pagkamit ng sustainable development at pagbabago sa sektor ng agrikultura.
Nagbigay naman ang pribadong sektor ng iba't ibang rekomendasyon upang mapabuti ang sektor ng agrikultura sa bansa. Kasama sa mga rekomendasyon ang pagpapabuti ng programa sa pautang at pagpapautang sa mga magsasaka, tamang implementasyon ng mga batas sa Agri-Agra, teknikal na pagsasanay para sa mga magsasaka, at pagkakaroon ng mas maraming post-harvest facilities sa bansa.
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkakaroon ng 90-day extension period para sa SIM registration pagkatapos ng deadline sa Abril 26, 2023.
Inaasahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na aabot sa 15-18 milyon na Pilipino ang magpaparehistro pa sa loob ng nasabing extension period.
Sa pinakahuling ulat, higit sa 82 milyong SIM o 49.31% ng kabuuang aktibong SIM noong Disyembre 2022 ang nakapagrehistro na.
Pagpupugay sa ating bagong PNP Chief, PMGen. Benjamin Acorda Jr!
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang turnover ceremony sa pagitan ni incoming Philippine National Police chief Major General Benjamin Acorda Jr. at outgoing chief Gen. Rodolfo Azurin Jr noong Lunes, Abril 24, sa Camp Crame sa Quezon City.
Si PNP Chief Acorda, ay miyembro ng Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991, ang pangalawang PNP chief na hinirang ni Marcos at ika-29 na pinuno ng PNP.
Hindi lang sa Ilagan City tayo nag-abot ng tulong sa mga nangangailangan. Sinadya ko rin puntahan ang Santiago City para personal na magbigay ng cash assistance sa mga residente doon.
Tatlong milyong ayuda mula sa DSWD-AICS program ang pinamahagi sa isanlibong benepisyaryo noong Sabado, April 22.
Muli na naman pinagkaguluhan at mainit na sinalubong ang pagdating ng ating Pambansang Ate Senator Imee R. Marcos sa Probinsya ng Pangasinan upang maghatid ng isang Solusyon sating mga kababayan ngayong araw ng Huwebes Abril 20,2023...
Assistance To Individual Crisis Situation (AICS)
Anumang Suliranin #IMEEsolusyon !!!
MARAMING SALAMAT PO AT MABUHAY PO KAYO MANANG SENATOR IMEE R. MARCOS!!!🤝🤝👏👏👏