Skip to main content

“kung may Ampatuan noon ay heto.. may Teng Mangudadatu ngayon.” - BARMM Peace Advocate

 


Ikinalugod ng isang dating kongresista ang pagbasura ng Commission on Appointments (CA) sa ad interim appointment ni ex-TESDA chief Suharto ‘Teng’ Mangudadatu bilang Army colonel reservist.

Pahayag ni dating Gov. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu, ngayo’y isang peace advocate sa BARMM, ang pagbasura ng CA sa pagtalaga kay Teng bilang colonel reservist sa Armed Forces of the Philippines ay makatuwiran.




Tinukoy ni Toto, 3rd degree cousin ni Teng, ang mga pagkakataon sa track record ng umano’y mga pang-aabuso ng kanyang pinsan.

“Ang daming reservist na nandito sa amin na nagagamit ni Teng. Libo ang reservist nila. Pinadadala ng mga baril, akala ng mga tao sundalo lahat, zero IB pala ang mga yun,” pagsisiwalat ni Toto, na dati ring Maguindanao governor.

“Mayroon silang mga private cars na kulay green. Doon nakasakay lahat ng private armed groups nila, at tinatakot nila lahat na ipakukulong,” dagdag pa niya.

Isiniwalat din ni Toto ang umano’y ginagawang pang-aabuso ni Teng sa pangalan ng Philippine Army sa kanyang political antics sa Bangsamoro region kahit hindi siya bahagi ng BARMM.

“Magandang balita ang naging desisyon na hindi bigyan ng titulong army colonel reservist si Teng dahil malamang ay abusuhin niya lamang ito at mabigyan siya ng lisensiya na magpatuloy sa kaniyang harassment sa mga kalaban niya sa BARMM,” ani Toto.

“‘Delikado talagang mabigyan ng titulong colonel si Teng kahit reservist lang kasi pwede na nitong mabigyan ng ‘semblance of legitimacy’ ang pag-alaga niya ng mga pekeng armed reservist kahit sa totoo ay goons ang mga ito ng kanyang pamilya,” pagbibigay-diin ni Toto, idinagdag na, “kung may Ampatuan noon ay heto.. may Teng Mangudadatu ngayon.”

Sinasabing ang appointment ni Teng bilang army colonel reserve ay ibinasura sa isang panel deliberation ng CA, kung saan ang dating TESDA chief ay tinanggihan dahil sa non-compliance at non-appearance sa mga proceedings sa kabila ng mga imbitasyon na dumalo.

Ipinaliwanag nina panel head at Camiguin Representative Jurdin Jesus Romualdo na inisnab ni Teng ang proceedings ng apat na beses, na grounds para ibasura ang kanyang appointment, ayon sa Section 24 ng CA Rules.

Popular posts from this blog

SINO NGA BA SI JAMES KUMAR ?

  James Kumar with First Lady Liza Marcos James Kumar with former president Rodrigo Duterte James Kumar with Bong Go This Indian and His Amazing Record of Pinoy Bayanihan In the Philippines, bayanihan, the spirit of communal unity and cooperation, is deeply ingrained in the culture. It's about coming together to help one another, especially in times of need. One person who truly embodies this spirit is James Kumar, an Indian-Filipino businessman and philanthropist. Despite recent controversies, his record of bayanihan speaks louder than any unfounded allegations. Let's take a closer look at how James Kumar has become a shining example of bayanihan in action. Champion of Community and Culture: James Kumar isn't just known for his business acumen; he is celebrated for his dedication to fostering cultural and social unity. As the founding president of the Filipino Indian Commerce and Welfare Society Inc. (FICWSI), James has worked tirel...

"Hindi po Tayo Gaya ng iba na kilala lang kayo tuwing Araw ng Eleksyon" - Mayor Along Malapitan

"Hindi po Tayo Gaya ng iba na kilala lang kayo tuwing Araw ng Eleksyon" . Mayor Along Malapitan namahagi sa kanyang Kaarawan ng sako-sakong bigas sa iba't ibang Barangay sa Lungsod ng #Caloocan. #BatangKankaloo  #CaloocanCity

7 ARTICLES OF IMPEACHMENT VS SARA DUTERTE EXPLAINED ! with Videos for each

  Article 1 of Impeachment | WALA SA KATINUANG PAGBABANTA: Alleged Assassination Plot Article 2 of Impeachment of Sara Duterte | LIHIM NA PONDO: Misuse of Confidential Funds Article 3 of Impeachment of Sara Duterte | LAGAYAN SA KAGAWARAN NG EDUKASYON: Bribery in DepEd Article 4 of Impeachment | YAMAN NA HINDI MAPALIWANAG Article 5 of Impeachment | MADUGONG PAMANA: Extrajudicial Killings Article 6 of Impeachment | PAG-AALSA: Destabilization and Insurrection Article 7 of Impeachment | FINAL EPISODE NG PITONG SALA NI SARA